John Arcilla avid fan ng viral tsonggong si Punch

John1

ISA ang character actor na si John Arcilla sa local celebrities na avid fan ng viral Japanese macaque na si Punch, a.k.a. Panchi-Kun.

Si Punch ang six-month-old monkey na naging global internet sensation matapos kumalat online ang video ng pangbu-bully sa kanya ng mas matatandang macaque sa Ichikawa Zoo sa Japan.

Maraming netizens ang naawa kay Punch lalo pa nga’t ayon sa balita ay iniwan ito ng mommy niya matapos ipanganak noong July, 2025.

Dahil dito, nag-trending ang hashtags na #HangInTherePunch at #PunchTheMonkey .

Sa magkasunod na Instagram post nitong weekend, nag-post si John ng carousel of photos and videos ni Punch habang hila-hila ang orange orangutan stuffed toy na iniregalo sa kanya ng CEO ng Ikea.

Ito ang nagsilbi niyang forever “Ora-mama” na kalaro at katabi niya sa pagtulog.

Mapapanood din sa video na in-upload ni John ang panunulak kay Punch ng mas may edad na unggoy tuwing siya’y lumalapit.

“Punch is being bullied, so pack your bags, we’re going to Japan!” ang mababasa sa unang art card na ipinost ng aktor sa IG.

Ang caption niya rito ay, “I am a Punch cheerer and an avid fan,” na pinusuan naman nina Jodi Sta. Maria, Pokwang at sinagot sa comment section ng “Me too” nina Cherry Pie Picache, Rita Avila at marami pang iba.

Nitong Linggo, nag-post ulit si John ng litrato ni Punch. This time, makikita roon na yakap na ito ng mas nakatatandang macaque at mababasa ang linyang, “Sometimes the love you pray for…finally finds you.”

“Happy for Punch. Sending love from this part of the Globe,” caption ni John sabay banggit na ang mga larawan ay grinab niya mula sa @Exposing Old History at @Postive .

Ang ilan sa kapwa niya celebrity na nag-like sa post ay sina Ogie Alcasid at Zsa Zsa Padilla.

As of presstime, naglabas na umano ng pahayag ang pamunuan ng Ichikawa Zoo na nagsasabing unti-unti nang tinatanggap si Punch ng macaque community.

Ayon sa pahayag, ginu-groom na ito ng iba pang mga macaque at nilalaro na rin ng ilan sa mga ito.

“As the days go by, the number of individuals Punch interacts with has been increasing. There are still times when he gets scolded, but while learning the rules of the group one by one, Punch is gradually getting used to it, too,” saad pa umano ng zookeepers.

The post John Arcilla avid fan ng viral tsonggong si Punch appeared first on Journal News Online.

About admin