HINILING ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Senado na maglaan ng pondo sa ilalim ng Local Government Support Fund upang madagdagan ang suporta sa mga local government units, kabilang ang Naga City, ayon kay Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson.
“Gusto niya ma-augment especially those hard hit by calamities. Yan ang main agenda nila,” sabi ni Lacson.
Ibinigay ni Lacson ang pahayag habang tumanggi siyang magbigay ng haka-haka sa mga napaulat na usaping pulitikal ng ilang personalidad, kabilang ang pagpupulong ng Pangulo at ni Naga City Mayor Leonor “Leni” Robredo sa Naga City.
Nang tanungin hinggil sa mga posibleng alyansa at alok kaugnay ng halalan sa 2028, sinabi ni Lacson na wala siyang planong kumandidato pa matapos magtapos ang kanyang termino sa Senado sa 2031.
“Absolutely none. I’m nearing the twilight of my career. And I am still eligible for reelection in 2031 but I am not intending to,” sabi ng dating hepe ng PNP at PAOCTF.
The post Dagdag pondo sa LGUs hiling ni PBBM–Sen. Ping appeared first on Journal News Online.