San Antonio VM dumalo sa meeting ng VMLP

SAN ANTONIO, Nueva Ecija–Nanguna ang vice mayor ng bayang ito na si Arvin Salonga sa executive committee meeting ng 32-member Vice Mayors’ League of the Philippines-Nueva Ecija noong Biyernes.

Kabilang sa mga napag-usapan ay ang panukalang dumalo ang mga miyembro sa tatlong araw na seminar-workshop sa Mayo sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).

Paksa sa workshop ang Comprehensive Land Use Plan (CLUP), kabilang ang mga paksa tungkol sa land conversion at reclassification.

“Napaka-halaga po nito sa panahon ngayon itong CLUP dahil alam ko po ang mga CLUP natin, after five years ay pwede nang ire-visit, mapalitan, kaya sakto naman itong gagawin nating seminar,” paliwanag ni Salonga.

Bukod sa mga planning at development officers ng LGU, ang mga miyembro ng mga konseho ng lungsod o bayan ay maaari ding dumalo sa workshop.

Dumalo sa pulong ay sina Nestor L. Alvarez, Edwin Buendia, Victor V. Sabino, Jhelyn Domingo-Velasco, Romaric S. Capinpin, John Carlo P. Dizon at marami pang iba.

The post San Antonio VM dumalo sa meeting ng VMLP appeared first on Journal News Online.

About admin