TULUYAN nang nagsara ang telon para sa dating radio voice actress-turned TV and film actress, acting coach and dubbing supervisor na si Vangie Labalan (Maria Cristina Bonghanoy Labalan in real life) na pumanaw nung nakaraang February 12, 2026 ng tanghali sa isang pagamutan in Australia. She was 83.
Si Vangie ay isinilang nung January 20, 1943 sa Bago, Negros Occidental at biyuda ng casino dealer na si Noli Labalan. Sila’y nabiyayaan ng apat na anak na sina Tangerine, Carlo, April at Marlon.
Ang veteran actress ay nagtatag noon ng sarili niyang kumpanya, ang “Synch Matters” na nagi-specialize sa pagda-dub ng Mexican telenovelas at anime shows in Tagalog.
Taong 1962 nang kanyang simulan ang pagiging isang radio talent in Bacolod and was discovered by the late writer, director, actor na si Ishmael Bernal at isinama siya sa pelikulang “Himala” ng superstar at National Artist for Film and Broadcast na si Nora Aunor.
Si Vangie ang gumanap sa papel ni Aling Saling, ina ng character ni Guy (Nora) sa “Himala”. Magmula noon ay tuluy-tuloy na ang acting career ni Vangie na umabot sa teatro, telebisyon at pelikula.
Ang iba pang mga pelikulang sinalihan ni Vangie include “Alas Baby Tsina” ni Vilma Santos, “Manila By Night” nina Charito Solis, Alma Moreno, Lorna Tolentino at Rio Locsin na pinamahalaan pa rin ni Ishmael Bernal, “Bukas Luluhod ang mga Tala,” “Girlfriend,” “Pati Ba Pintig ng Puso,” “Till We Meet Again,” “Rosa Mistica” at marami pang iba. Huli siyang napanood sa 2023 MMFF movie ni Piolo Pascual, ang “Mallari”. Last TV series naman niya ang “FPJ’s Batang Quiapo” and “Lolong: Bayani ng Bayan” nung 2024.
Ayon sa isa sa apat na anak ni Vangie, ang mga labi ng kanyang ina ay nakatakdang iuwi sa Pilipinas at nakatakdang paglamayan ng ilang araw bago ito ihatid sa kanyang huling hantungan.
Jiro nagbenta na naman ng trophy
HANGGANG ngayon ay patuloy pa ring umaasa ang dating award-winning child actor na si Jiro Manio na mabigyan ng pagkakataon na muling humarap sa kamera bilang actor. Hindi nito ikinakaila na hanggaang ngayon ay wala siyang pinagkukunan para sa kanyang pang-araw-araw na pangangailangan gayundin ang dalawa niyang grown-up daughters na sinba Mishka Caxiopeia Katakura at Sisha Caliope Katakura sa kanyang dating partner who’s ten years his senior.
Valuable man kay Jiro ang kanyang mga acting trophies, wala siyang choice kundi ang ibenta ang dalawa sa mga ito sa kilalang businessman-vlogger na si Boss Toyo.
Ang unang acting trophy niyang ibinenta ang Best Child Actor award niya for “Magnifico” na pinamahalaan ng namayapang director at dati niyang manager na si Maryo J. de los eyes. Ito’y binili sa kanya ng businessman-vlogger ng P75,000 .
Ang pangalawang award niya ay nagmula sa Gawad Urian ng Mga Manunuri ng Pelikulang Pilipino (MPP) bilang Best Actor na para naman sa pelikulang “Bagong Buwan” na pinagbidahan ni Cesar Montano at pinamahalaan ng yumao na ring director na si Marilou Diaz-Abaya.
Nung umpisa ay ibinebenta niya ito kay Boss Toyo ng P500,000 pero hindi ito kinagat ng businessman-vlogger at sa halip ay tinawaran ito ng P50,000 na hindi naman pumayag si Jiro. Nagkasundo sila ni Boss Toyo sa halagang P75,000.
Nakakalungkot isipin na ang dapat na ipinagmamalaki niyang Best Actor trophies ay kailangan niyang ibenta para magkaroon ng pera.
Nung panahong kumikita nang malaki si Jiro ay nagumon ito sa droga at dito nagsimulang masira ang takbo ng kanyang buhay.
May tatlo pa siyang natitirang award mula sa Star Awards for Movies, FAF at FAMAS.
During our exclusive interview with Jiro for our vlog, ang “TicTALK with Aster Amoyo,” inamin ng actor na kinse anyos pa lamang siya nang siya’y maging isang ama.
Naka-experince din umano siya ng sexual abuse when he was still a child at nakadagdag umano ito sa trauma na kanyang pinagdaanan.
Ulila nang lubos si Jiro sa kanyang mga magulang. Filipina ang kanyang namayapang ina at Japanese national naman ang kanyang ama na never umano niyang nakita.
Si Jiro ay nasa pangangalaga ngayon ng kanyang tiyuhin at half-brother na si Anjo Santos.
Vina tinatawanan na lamang ang nangyari sa kanila ni Sen. Robin GOLDEN Girl singer, performer, actress, ultimate Show Girl and entrepreneur Vina Morales is ready to fall in love again. Ito’y kanyang ibinahagi sa aming exclusive na panayam sa kanya for “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel.
Vina had a string of failed relationships in the past pero wala umano siyang pinagsisihan dahil dito siya natutong maging matatag.
“In God’s perfect time, I know darating din sa buhay ko si Mr. Right,” aniya.
“My daughter Ceana is 16 and a smart girl and I’m so proud of her,” patuloy niya.
“She would also be very glad for me kung muli akong makakahanap ng taong mamahalin at magmamahal sa amin ng anak ko,” deklara niya.
Inamin sa amin ni Vina na si Sen. Robin Padilla ang kanyang first love and first heartbreak. She was only 17 nang una siyang ma-in love sa mister na ngayon si Mariel Rodriguez.
“Everybody was against the relationship including my parents and Mama Mina (Aragon), pero wala silang nagawa dahil na-in lab talaga ako kay Robin,” pag-amin niya.
Bago pa man sila nagtambal ni Robin sa “Utol Kong Hoodlum” ay crush na umano niya ang action superstar noon. Kaya nang magtambal ang dalawa sa first movie nila together ay hindi napigilan ng Cebuana singer-actress na ma-in love sa kanyang leading man.
Hindi ikinakaila ni Vina na sobra umano niyang iniyakan ang paghihiwalay nila ni Robin.
When she turned 18, dapat iba ang kanyang escort sa kanyang debut pero bigla umanong dumating si Robin kaya ito ang kanyang nakapareha. Dun ay sandali silang nagkabalikan pero nauwi na naman ito sa kanyang pagiging heartbroken.
“Walang nagawa ang parents ko maging si Mama Mina dahil sa katigasan ng ulo ko, pero later on ay saka ko na-realize na tama pala sila, after all,” kuwento pa niya.
Wala umano silang formal break-up ni Robin. Siya na lamang umano ang lumayo sa kanilang relasyon dahil na-realize niya na masasaktan at masasaktan lang siya kung ipagpapatuloy nila ang kanilang relasyon. Pero ang maganda ay nanataili umano silang magkaibigan ni Robin hanggang ngayon. Pinagtatawanan na lamang umano niya ang nagyari sa kanilang pagitan.
SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo
The post Paalam, Vangie Labalan, 83 appeared first on Journal News Online.