SUGATAN ang 15 pasahero noong Miyerkules matapos mahulog ang sinasakyan nilang jeep sa bangin sa Brgy. Ibabao, Cuenca, Batangas.
Base sa imbestigasyon, dakong alas-5:20 ng hapon papunta ang jeep (DXS 317) na minamaneho ni alyas Joemar, 32, sa Lemery ng mag-lock ang manibela kaya nawalan ng kontrol ang driver at nahulog sa malalim na bahagi ng highway.
Kabilang sa nasugatan ang 10 babae at tatlong lalaki na pasahero na dinala sa Cuenca General Hospital para magamot.
Isa pang lalaki at babae ang dinala sa Martin Marasigan Memorial Hospital.
Nakakulong sa Cuenca police ang driver.
The post JEEP NAHULOG SA BANGIN, 15 SUGATAN appeared first on Journal News Online.