Gunrunning suspek tiklo sa sangkatutak na boga

ISANG pinaniniwalaang gunrunner sa Mindanao ang naaresto at nakuhanan ng sangkatutak na baril ng mga undercover officers ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) matapos magbenta ng 3 unlicensed na baril sa poseur-buyer sa Marawi City noong Lunes.

Ayon kay PNP-CIDG director Major General Robert Alexander A. Morico II, na-recover sa suspek na si Mario ang cal 7.62mm rifle, M-14 rifle, cal .45 semi-automatic pistol, cal. 40mm pistol at halu-halong magazines na puno ng bala.

Nahuli ang suspek sa surveillance nina Lieutenant Colonel Niño Lope Briones at Lt. Col. Eugene Balugo.

Sasampahan ang suspek. ng kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulations Act of 2013).

The post Gunrunning suspek tiklo sa sangkatutak na boga appeared first on Journal News Online.

About admin