WALONG suspek na tulak ang natimbog ng mga agents ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na may dalang mahigit P5 million halaga ng shabu, ayon kay PDEA Director General Isagani Nerez.
Dalawa sa naaresto nakilalang sina alyas Dante, 46; at Arsing, 55, na nahuli sa Sitio Cabagtasan, Brgy. Cod Cod, San Carlos City, Negros Occidental noong Huwebes.
Nakuha sa 2 ang 55 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P374,000.
Nadakip si alyas Mata, 34, sa Brgy. Canocotan, Tagum City, Davao del Norte at nakuhanan ng 2.5 grams ng shabu.
Nang kapkapan, nabukayo ang suspek na may iniipit na 612.5 grams ng shabu na may value na P4.287 million.
Sa Purok Ligaya, Brgy. Pedtubo, President Quirino, Sultan Kudarat nahuli si alyas Abu, 54; at asawang si Meriam, 49.
Nakuha sa dalawa ang 50 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P340,000.
Sa Begy. Saray, Iligan City, tatlong tulak ang nakuhanan ng 12 grams ng shabu worth P81,600,
Kinilala ang tatlo na sina Inday, 45; Vic, 40; at Lin, 30.
Ang pang-7 suspek, si alyas Arjay, 24, nasamsaman ng 60 Ecstasy tablets worth P204,000 at six grams ng shabu na value na P40,800 sa Sitio Maunawain, Brgy. Duhat, Santa Cruz, Laguna.
Kakasuhan ang mga naaresto ng paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
The post 8 suspek na tulak huli sa pagtutulak ng P5M droga appeared first on Journal News Online.