Kamay ng bebot pinosasan dahil sa 46 bilang ng nakawan

ISANG babae ang nahuli ng mga pulis dahil sa kasong 46 counts ng qualified theft sa Mabolo St., Balanti, Brgy. San Isidro, Cainta, Rizal noong Lunes.

Kinilala ng mga tauhan ng Cainta police ang naaresto na si alyas Elmira.

Hinuli siya ng ng tracker team ng Cainta police sa tulong ng arrest warrant na inisyu ni Presiding Judge Janice Andrade Udarde ng Regional Trial Court, National Capital Judicial Region, Branch 161 ng Pasig City.

Kasalukuyan nakakulong sa Cainta custodial facility sa Brgy. Sto. Domingo, Cainta, Rizal ang naarestong suspek.

The post Kamay ng bebot pinosasan dahil sa 46 bilang ng nakawan appeared first on Journal News Online.

About admin