TINIYAK ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang suporta nito sa aerosports sa pagbubukas ng 26th Philippine International Hot Air Balloon Fiesta (PIHABF) noong Pebrero 13 sa New Clark City Stadium, Tarlac.
May temang “A Weekend of Everything that Flies,” tampok sa taunang pista ang lumalawak na kasikatan ng aviation sports, na nagtipon ng mga lokal at internasyonal na piloto at mga mahilig sa himpapawid sa Clark.
Pinangunahan nina CAAP Director General Raul Del Rosario at PIHABF Event Director Capt. Joy Roa ang seremonya na unang balloon burn bilang hudyat ng pormal na pagbubukas ng pagdiriwang.
Nakipagpulong ang director general sa mga opisyal ng Airsports Federation of Asia (AFA), kasama ang mga kinatawan mula sa Qatar, United Arab Emirates, Indonesia, United States at Hong Kong upang talakayin ang pandaigdigang pag-usbong ng aerosports.
The post CAAP tiniyak suporta sa aerosports appeared first on Journal News Online.