INOOBERBAHAN umano ang lagay ng isang estudyante ng De La Salle University (DLSU) matapos na mapaulat na diumano’y nalaglag ito mula sa building sa loob ng campus sa Taft Avenue, Malate, Manila, araw ng Biyernes,
Ayon umano sa ulat, agad rumesponde ang mga tauhan ng Health Service Office sa nasabing eskwelahan at nilapatan ng paunang lunas bago ito isinugod ang estudyante sa Hospital upang mabigyan ng atensiyon medical ayon sa opisyal na pahayagan ng unibersidad, .
Agan naman naglabas nang opisyal na pahayag ang pamunuan ng unibersidad hinggil sa kalagayan ng estudyante at sa sanhi ng insidente. Patuloy din ang imbestigasyon upang malaman ang buong detalye ng pangyayari..
Kinumpirma ng pamunuan ng De La Salle University (DLSU) na agad na nakatanggap ng medikal na atensyon mula sa University Clinic ang estudyante.
“Following the first aid, the student was transported to a nearby hospital for further evaluation, accompanied by University medical personnel. School administrators are currently in close coordination with the student’s guardian to ensure they receive all necessary support,” ayon umano sa unibersidad.
Hiniling din ng unibersidad na respetuhin ang privacy ng pamilya at kalagayan ng nasabing estudyante.
The post ESTUDYANTE NAHULOG SA DLSU BLDG, SUGATAN appeared first on Journal News Online.