Sen. Erwin: PH dapat maging matatag sa WPS isyu

SINABI ni Sen. Erwin Tulfo na dapat maging matatag ang Pilipinas sa paggiit sa soberenya ng bansa sa West Philippine Sea (WPS) habang iniiwasan ang personalan matapos ang kanyang pulong kay Foreign Affairs Secretary Ma. Theresa Lazaro.

Ayon kay Tulfo, hindi dapat matinag ang posisyon ng Pilipinas sa WPS ngunit dapat mag-concentrate ang diskurso sa kapakanan at kaligtasan ng mga Pilipinong nasa dagat.

“We all just have to focus sa mga fishermen natin, yung mga coastguard natin, na safe sila, hindi sila nasasaktan,” ayon sa senador.

Binigyang-diin niya na ang mga diplomat ay mga panauhin sa bansa at dapat igalang ang mga batas ng host country.

Binanggit niya ang Vienna Convention on Diplomatic Relations at ang tungkulin ng mga misyon diplomatiko na huwag makialam sa internal affairs.

Ipinagtanggol din niya si Philippine Coast Guard WPS spokesperson Commodore Jay Tarriela at iginiit na may karapatan itong magsalita habang hinihikayat na idaan ang usapin sa diplomatic channels sa pangunguna ng Department of Foreign Affairs.

The post Sen. Erwin: PH dapat maging matatag sa WPS isyu appeared first on Journal News Online.

About admin