Masayang-masayang ibinahagi ni Sharon Cuneta na nakuha na niya ang kanyang senior citizen card.
Sa Instagram post ng Megastar ay proud na proud niyang ipinakita ang larawan ng kanyang bagong ID.
“Heto na siya!!! (Siempre inalis ko ibang info, pero ito na Senior Card ko!!!) Hahahaha!!! Yahooo!!!! AGING, MY FRIENDS, IS A PRIVILEGE!!! Thank You, Lord!” caption ni Mega.
Sa comment section ay sumagot pa ang kanyang panganay na anak na si KC Concepcion at sey nito, “Grabe! Level up na!!!”
Sagot naman ni Sharon, “Mama oldie na… but heart happy, but incomplete pa.”
Matatandaang nagdiwang ng kanyang ika-60 kaarawan si Sharon nito lang nakaraang Enero.
Comeback serye ni Dingdong ipapalabas sa Netflix
Inilabas ng Netflix ang line-up ng mga programang dapat abangan sa streaming platform, at kabilang dito ang pinakahihintay na pagbabalik-serye ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa The Master Cutter.
Sey ng ilang netizens, “Nakaka-excite dahil alam mong kalidad ang projects ng isang Dingdong Dantes”.
Gaganap dito si Dingdong bilang isang sastre na may kakaibang misyon, na talaga namang inaabangan ng maraming fans.
Muling makakatrabaho ni Dingdong sa serye ang direktor na si Dominic Zapata, at makakasama niya rito sina Max Collins, Sienna Stevens, Shuvee Etrata at Jo Berry.
Mapapanood ito simula ngayong Abril sa GMA Prime.
The post KC sa senior ID ni Sharon: Level up na! appeared first on Journal News Online.