SANTA ROSA, Nueva Ecija–Huli ang tricycle driver matapos makipag kaliwaan ng baril at pera sa buy-bust noong Linggo sa bayang ito, ayon kay P/Major Williard Dulnuan, ang hepe ng pulisya.
Kinilala ang naarestong suspek na si alyas Putok, 45, na nahuli sa Brgy. Cojuangco dakong alas-12:30 ng madaling araw, ayon kay Nueva Ecija cop chief Col. Heryl Bruno.
Sa ginanap na transaksyon, iniabot ng police poseur-buyer ang isang kalibre 9mm sa suspect at matapos magbayaran ay naging hudyat iyun upang ito ay dakpin at posasan.
Nasamsam din mula sa suspect ang isang black sling bag, isang Kawasaki Bajaj tricycke bukod sa dalawang pirasong P500 na marked money kabilang ang pitong pirasong boodle money na P500.
Mga kasong paglabag sa Republic Act 10591 ang iginagayak laban sa suspect.
The post Tricycle driver tiklo sa boga appeared first on Journal News Online.