NANANAKSAK NG LEEG GUMAGALA!

Binatilyo, 17, grinipuhan, kritikal!

KASALUKUYANG inoobserbahan ng mga mangagamot ang isang 17-anyos na binatilyo matapos saksakin ng di pa nakikilalang suspek Biyernes ng gabi sa kahabaan ng Matimyas St. corner Blumentritt Extension, Brgy. 533 Zone 53, Sampaloc, Manila.

Ayon sa report ng pulisya, bandang 7:30 p.m. nang mangyari ang pananaksak sa biktima na nakilala lamang na Alyas Totoy, naninirahan sa Sampaloc, Manila.

Base sa ulat ni PSSg Ryan Clifford Salazar, bandang 8:47 ng gabi nitong Pebrero 20, 2026, nang makatangap sila ng tawag mula sa Jose R. Reyes Memorial Hospital na nag-uulat ng insidente ng nasabing pananaksak.

Agad na inimbestigahan ng pulisya ang insidente.

Base sa CCTV footage ng Brgy 533, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang isang grupo ng lalaki at ang biktima.

May hawak na dust pan ang biktima at ginamit ito para ipagtanggol ang sarili habang nagtangkang gumanti ang grupo.

Nang makakuha ng tyempo ang bitima ay agad na tumakbo subalit ito ay nadulas.

Dahil dito ay nasaksak ang biktima sa leeg ng suspek.

Agad naisugod ang biktima sa nasabing hospital upang malapatan ng medikal na attention..

Patuloy ang isinasagawang follow up operation ng mga pulis upang matukoy at mahuli ang salarin.

The post NANANAKSAK NG LEEG GUMAGALA! appeared first on Journal News Online.

About admin