ISANG caption pa lang na “POV: He’s addicted to taking hot pics of you…” ay sapat na para pag-usapan ang pinakabagong post ni social media star Janna Chriselle. At mukhang hindi lang ang “he” sa caption ang naadik pati ang followers niya, tila hindi makabitaw sa larawan.
Sa naturang photo, makikita si Janna na nakahiga sa kama, suot ang fitted white tee na may playful print at leopard underwear na sadyang sumisilip sa eksena.
Ang suot niyang salamin ay nagbigay ng “smart girl” vibe, pero ang kanyang tinging diretso sa camera at ang pagkakakagat sa daliri ay may halong pilyang paanyaya. Kombinasyon ng cute at daring ang atake parang may sariling script ang bawat galaw.
Hindi nagpahuli ang netizens sa pag-react. “So hawtt,” komento ng isang fan na tila napa-type agad. May isa pang napa-“Grabe.. Grrrrrr,” habang ang iba’y simple pero matapang ang hirit na “on fire.” Sunod-sunod ang emojis at papuri na lalong nagpaingay sa kanyang feed.
Alam niya kung paano laruin ang kamera at ang imahinasyon ng kanyang audience. Isang kuha lang, at muling pinatunayan ng social media star na kaya niyang paghaluin ang charm at spice sa iisang frame.
The post Point-of-view appeared first on Journal News Online.