ISANG “Sawadeeka” lang ang bati ni Maureen Montagne, pero tila buong internet ang napalingon. Sa kanyang pinakabagong post, muling ipinakita ng beauty queen na hindi lang korona ang bagay sa kanya pati ang titulong ultimate stunner.
Sa larawan, makikitang nakaluhod si Maureen sa isang dilaw na sofa na may tropical vibes ang paligid. Suot niya ang brown halter bikini top na bumabagay sa kanyang morenang kutis, habang ang matching na skirt na may mataas na hiwa ay nagbibigay-diin sa kanyang mahahabang binti at kurbadang hinulma ng disiplina.
Ang kanyang titig na kalmado ngunit may halong tukso, at ang natural glow sa ilalim ng araw, ay parang eksenang diretso mula sa isang luxury villa shoot.
Hindi nagpahuli ang netizens sa pagpapahayag ng paghanga. “Oh lalalaaa,” sabi ng isang follower na tila napa-double take. May isa namang nagkomento ng, “A bombshell has entered the villa!!” na parang may bagong pasok sa isang reality show. At syempre, hindi nawala ang papuri sa kanyang mga mata—“So gorgeous, the beauty queen with the most gorgeous eyes!”
Kaya niyang paghaluin ang elegance at daring sa isang frame lang. Isa na namang patunay na sa mundo ng social media, hindi lang siya basta contestant — siya ang mismong headline.
The post Thai-tanic appeared first on Journal News Online.