TALAVERA, Nueva Ecija–Nalambat ng mga pulis sa checkpoint ang apat na lalaking may pag-iingat na P23,100 ng pekeng sigarilyo at ang isa nahulihan pa ng shabu noong Biyernes, ayon kay Lt. Col. Rogelio Pacificar Jr., hepe ng pulisya.
Isinagawa sa Brgy. Kinalanguyan dakong alas-2:00 ng hapon, ayon sa ulat kay Nueva Ecija cop chief Col. Heryl Bruno.
Kinilala ang apat na suspek na sina alyas Boy, ang nakuhanan ng shabu; Joel, 35; Jerome, 36; at Jessie, 23.
Sinabi ni Pacificar na nagsasagawa ng checkpoint ang kanyang mga tauhan nang isang pulang tricycle na sakay ang apat na suspek ay hinarang para sa inspeksyon.
Nakumpiska ang dalawang kahon ng sigarilyong Carnival na nagkakahalaga ng P23,100.
Ang mga naarestong suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa istasyon ng pulisya para sa wastong disposisyon.
“Patuloy ang laban ng Talavera police station laban sa ilegal na droga at mga pekeng produkto upang matiyak ang isang ligtas at mapayapang komunidad,” sabi ni Lt. Col. Pacificar.
The post 4 nadakip sa P23K pekeng yosi appeared first on Journal News Online.