Drone ginamit sa pagtatanim ng palay sa Laguna

GUMAMIT ng drone sa pagtatanim ng palay ang Field Agricultural Extension Services-Office of the Provincial Agriculturist (FAES-OPAg) Laguna bilang bahagi ng Rice Technology Demonstration sa pakikipagtulungan sa International Rice Research Institute (IRRI).

Layunin ng proyekto na mapabilis ang pagtatanim, mabawasan ang manpower, at mapabuti ang katumpakan sa pagsasaka sa buong lalawigan.

Ang drone ay kayang magdala ng hanggang 50 kilo ng binhi, pataba at pesticide at maaari ring gamitin sa pag-spray.

The post Drone ginamit sa pagtatanim ng palay sa Laguna appeared first on Journal News Online.

About admin