Mayor Isko:13 batang pasyente tatanggap ng tulong pinansiyal

INANUNSIYO ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na tatanggap ng tulong pinansiyal mula sa lokal na pamahalaan ang 13 batang pasyente sa kanilang pagpapagamot sa Philippine Heart Center, Chinese General Hospital, at pasilidad na pagamutan sa India.

Kabilang sa mga matutulungan ang walong batang naka-schedule sa liver transplant sa India, apat na ooperahan sa puso sa Philippine Heart Center at isa na isasalang sa operasyon sa malalang sakit sa bato sa Chinese General Hospital.

Ayon sa alkalde, naglaan ng kabuuang P16,818, 557.49 ang lokal na pamahalaan upang matustusan ang ₱13,321,629.80 para sa walong batang isasailalim sa liver transplant, ₱3,323,311.50 na ooperahan sa puso, at ₱173,616.19 sa kidney procedure o sakit sa bato.

“Pagkatapos nito, una, magpasalamat kayo sa Diyos, ha? Magsimba kyo, tapos, kung ’di man kalabisan, magpasalamat din kayo sa taxpayer ng Manila. Dahil sa kanila, nagagawa namin ’to. We’ll do our best, bagama’t gipit na gipit kami bilang siyudad. Kaya lamang, buhay ng mga anak niyo ’yung nakasalalay, eh,” paalala ng alkalde sa mga magulang ng mga bata.

Tiniyak din ng alkalde sa pamilya ng mga bata na palaging naka-alalay sa kanila ang lokal na pamahalaan sa kabila ng kakapusan ng lungsod sa pananalapi.

The post Mayor Isko:13 batang pasyente tatanggap ng tulong pinansiyal appeared first on Journal News Online.

About admin