Inamin ni Asia’s Songbird Regine Velasquez ang pinagdadaanang anxiety lately tuwing may performance siya.
Sa kanyang tweet sa X, ikinuwento ng misis ni Ogie Alcasid ang naramdamang nerbyos at pagkabalisa sa araw ng concert ng American singer-songwriter na si Josh Groban kung saan ay isa siya sa naging guests.
Ayon kay Songbird, sa sobrang kaba niya sa maghapon ay nakalimutan niyang kumain.
“It was wonderful and an honor to sing with Josh Groban last night but I was so nervous. I was so anxious the whole day I forgot to eat,” aniya.
Kasunod nito ay inamin niya na kung dati ay nae-excite at naha-happy siya tuwing may performance siya, ngayon daw, nagkakaroon na siya ng anxiety.
“Lately every single performance for me is such a struggle even doing ASAP. And it used to excite me a source of joy but now it give me so much anxiety,” she revealed.
Inisip na lang ni Regine na parte siguro ng pagtanda ang kanyang nararamdaman pero aminado siya na heartbreaking ito para sa kanya.
“I still LOVE singing I do but performing on stage… maybe it’s part of getting old I don’t know. But it’s kinda of heartbreaking,” saad niya.
Sa comment section ay dumagsa naman ang fans at mga kaibigan sa pagbibigay ng suporta kay Regine.
Sey ni Darren Espanto, “We love you, Mama Reg!”
Komento naman ni Julie Anne San Jose, “Love you always ateee.”
Mensahe ni Erik Santos, “You were amazing as always, Ate! Love you!!!”
Sey naman ng isang fan, “You make me proud to be a Filipino.. itinaas mo na naman ang bandera ng Pilipinas dahil sa performance mo kagabi.. also, know that your feelings are valid but I also hope and pray all your anxiety and bad feelings will all be over soon… You are so loved.”
The post Fans, celebrity friends nagbigay-suporta sa pinagdadaanang anxiety ni Regine appeared first on Journal News Online.