Finally ay binasag na ni Rhian Ramos ang katahimikan hinggil sa kinakaharap na kontrobersiya kung saan ay sangkot din ang kaibigang si Michelle Dee at beauty queen na si Samantha Panlilio.
Sa panayam ng “24 Oras,” sa kauna-unahang pagkakataon ay nagbigay ng pahayag ang Kapuso actress hinggil sa pinagpistahang issue.
“Well, honestly, syempre, sino ba naman matutuwa? And I can say, yes, it’s in a way stressful, pero I’m also quite confident na the truth will, ano naman, will set us free,” pahayag ni Rhian.
Sa ngayon ay hindi pa raw siya makapagbibigay ng detalye subalit naniniwala siyang lalabas din ang katotohanan.
“I just can’t give so much details about everything because we might be waiting for a possible case or whatever. So, I can’t give too many details, but yeah, in the end, the truth will set us free.”
Nilinaw din ng aktres ang kanyang komento sa Instagram post ni Michelle tungkol sa Chinese New Year, kung saan hawak nito ang isang angpao.
Sa naturang post, nag-comment si Rhian ng: “May your ampaos be filled,” na agad lumikha ng atensyon.
Paliwanag ng aktres, “I think where that’s coming from really is not that it’s a funny matter. Kung ano naman ‘yung totoo, ‘yun ‘yung lalabas, eh. And that’s why I feel confident na things are going to be okay.”
Nangako si Rhian na magsasalita siya sa tamang panahon.
“It’s just not the right time right now. And, you know, honestly, a lot of people are asking me to defend myself. The more important thing right now is not to defend myself because I don’t need to,” saad ng aktres.
Matatandaang inireklamo ng driver ni Rhian na si alyas Totoy ang aktres kasama sina Michelle at Samantha sa pangto-torture at pagkulong sa kanya dahil pinagbibintangan umano siya ng tatlo na nagnakaw ng angpao na naglalaman ng mga ‘sensitibong larawan.’
Agad namang itinanggi ng abogado ng tatlo ang akusasyon ng driver.
Nagsampa rin si Michelle ng kasong qualified theft sa driver dahil sa pagnanakaw umano ng mga nasabing maseselang larawan.
Samantala, ibinasura naman ng Makati City Prosecutor’s Office ang reklamo ng driver dahil sa kakulangan ng ebidensya.
The post Rhian nagsalita na: Truth will set us free appeared first on Journal News Online.