After 14 years of being together, engaged na ang dating aktres na si Iwa Moto sa partner na si Pampi Lacson.
Sa kanyang Instagram page, nag-post si Iwa ng carousel of photos and videos ng bakasyon nila ni Pampi sa Japan kung saan ay makikitang proud niyang ipinakita ang kanyang engagement ring.
Sa caption ay nagbigay ng napaka-sweet na mensahe si Iwa para kay Pampi.
“So… this happened… Mahal You are my always and forever… thank you for making me happy. I can’t wait to be your wife mahal. We have been together for almost 14 years and God knows we have been through alot but in His grace eto tayo, NAGMAMAHALAN. I can’t wait to marry my best friend,” pahayag ni Iwa.
Sa comment section ay kaagad na mababasa ang reaksyon ng dating asawa ni Pampi na si Jodi Sta. Maria at masayang-masaya rin ang aktres para sa dalawa.
“Life has a beautiful way of unfolding. Congratulations on your engagement Madam and Pampi! Rejoicing with you both! This milestone is truly significant for the whole family!” komento ni Jodi.
Pahabol pa niya, naka-ready na raw ang kanyang isusuot sa kasal.
“PS Handa na po ang susuotin ko,” aniya.
Sagot naman ni Iwa, “Grabe ka mag predict amor. Love you. As promised ikaw ang isa sa mga naunang nakaalam hahaha. See you pag uwi namin.”
Matatandaang ikinasal sina Jodi at Pampi noong 2005 subalit naghiwalay din noong 2011.
Na-annul naman ang kanilang kasal noong 2024. Mayroon silang isang anak na si Thirdy.
Sina Pampi at Iwa naman ay may dalawang anak, sina Caleb at Hiromi.
Sa kasalukuyan ay hinahangaan ng marami ang pagkakaroon ng maayos na blended family nina Jodi, Iwa, Pampi at kanilang mga anak.
Ana na-scam
Isang nakagugulat at masakit na revelation ang natuklasan ng aktres na si Ana Roces nang malaman ang katotohanan tungkol sa isang mamahaling singsing na binili niya sa halagang ₱3 million.
Ang akala niya, inatural diamond ito na high-value investment.
Pero ang totoo, zirconia lamang ito at 14 karats gold.
Plano sana niyang ibenta ito sa Maddox Jewelry and at the same time ay bibili rin siya. Pero sa halip na good news, isang masakit na katotohanan ang bumulaga sa kanya – na hindi totoong diamonds ang nabili niya kundi zirconia lang pala ang bato.
Dito rin nalaman ng aktres na ang tunay na value ng binili niya ay P41,800 pero ibinenta sa kanya ng P3M.
Sa gitna ng emosyon, nariyan si Charo Cordial, CEO at founder ng Maddox Jewelry, na agad nagpaabot ng suporta.
Sa kabila ng heartbreak, nanatiling graceful si Ana. Nangako siya na babalik para bumili, pero sa ngayon, kailangan muna niyang tanggapin ang nangyari at mag-move forward.
The post Jodi handa na OOTD sa kasalang Pampi-Iwa appeared first on Journal News Online.