Antipolo, Grab magka-agapay sa pag-angat sa buhay

HINDI laging instant. Lahat ng magagandang bagay ay pinagpapaguran at pinaghihirapan”

Ito ang sinabi ni Antipolo City Mayor Jun Ynares III sa 450 Grab Drivers.

Pinangunahan ni Mayor Jun ang award-winning program ng Advancement for Rural Kids (ARK) Foundation para sa Lalawigan ng Rizal.

Ang programa ay tumatahak sa mas pangmatagalang solusyon sa pamamagitan ng paghubog ng kaugalian.

Sa loob ng 12 weeks (o higit pa), ang bawat pamilya ay tuturuang magtanim sa kanilang sariling bakuran at lahat ng kalahok na 450 pamilya ay magpapalitan ng tatlong uri ng gulay mula sa kanilang inaning tanim, sa patas na bahagi mula sa mahigit 20 na iba’t-ibang gulay na itinanim din ng iba pang mga members sa komunidad.

Ang Advancement for Rural Kids (ARK) Foundation, na itinatag noong 2009, ay patuloy na nagbibigay tulong at pag-asa sa libo-libong pamilya sa buong bansa.

Hindi lamang pananim at pang-gulay ang aanihin ng mga kalahok.

May hatid ring mga kapana-panabik na gantimpala at pa-raffle, gaya ng isang motor vehicle unit, helmets, top box at iba pa.

Mayroon pang handog na free motor services, free haircut, pa-basketball, at marami pang ibang gimik tuwing vegetable exchange day.

Sa ngayon, mahigit 19,000 na pamilya na ang natutulungan at 138,000 buhay na ang nabago ng nasabing programa sa buong bansa.

The post Antipolo, Grab magka-agapay sa pag-angat sa buhay appeared first on Journal News Online.

About admin