MARAMI nang nagtatanong sa akin kung bakit daw parang ang masasamang tao ang karaniwang nangingibabaw sa ating bayan.
Sa totoo lang, dumarami na sila, at hindi lang basta dumarami, nanganganak sila na parang mga seahorse!
Pero bilang pambalanse, hindi naman siguro sila mas marami dahil naniniwala pa rin ako na mas marami pa rin ang mabubuti sa ating bayan.
Kung pagbabasehan lang natin ang mga nangyayari ngayon, puwedeng ang maging pakiramdam ay nasa upper hand sila.
Pero sabi nga, it will just take one good man to do nothing for evil to triumph.
Iyong mga hindi kumikilos, iyong mga nagsasawalang-kibo habang ang krimen ay nangyayari sa kanilang harapan, yan ang sangkap para lalo tayong malubog.
Aminin man natin o hindi, nag-iba na ang ating tingin sa mga dating onorableng naglilingkod sa ating bayan. May kilig factor pa noon kapag nakasalamuha mo ang mga honorables pero ngayon, kilabot na ang ating nararamdaman ng ating mga kababayan.
Iyon nga ang mabigat na problema pa natin, ang mga masasamang tao ay nagpapanggap na mabuti, umaaastang nagmamalasakit sa bayan at komunidad pero kapag nilaliman mo lang ang tingin, malalamang sila ang ugat ng ating masamang sitwasyon ngayon.
Hindi natin alam kung makakabangon pa tayo sa malapit na hinaharap. Nanawagan tayo na ipagdasal natin ang ating bansa dahil nasa bingit siya ng walang katiyakan dahil sa kagagawan ng mga onorableng nilalang.
The post Mas marami pa rin ang mabubuti sa ating bayan appeared first on Journal News Online.