Hindi na raw magsasampa ng kaso si Matteo Guidicelli laban sa lady driver na aksidenteng sinagasaan ang outdoor dining area ng kanyang Italian restaurant sa Alabang.
Sa panayam ng ABS-CBN, sinabi ng aktor na inosente ang babae at inako nito ang kasalanan.
“I can say she’s a very, very innocent lady… she admitted to her fault naman. At the end of the day, it can happen to anybody,” sey niya.
“Pag-uusapan na lang with the insurance or whatsoever,” aniya pa.
Matatandaang last Sunday at 4 p.m. ay bigla na lang inararo ng isang SUV ang al fresco area ng restaurant ng aktor.
Ipinost niya agad ang nangyari at bagama’t nawasak ang outdoor dining ng resto, nagpapasalamat pa rin si Matteo na wala namang malubhang nasagutan sa nasabing aksidente although may dalawa siyang staff na nasaktan na agad isinugod sa ospital at ngayon ay okay na.
Ayon pa sa post ni Matteo biglang natapakan ng lady driver ang gas sa halip na preno kaya bumulusok ito sa al fresco area.
The post Matteo ’di kakasuhan driver na nanagasa sa restaurant appeared first on Journal News Online.