SUMIKLAB ang sunog sa isang residential area sa Blk. 34, Brgy. Addition Hills, Mandaluyong City, bandang 4:26 a.m. ng Pebrero 11, 2026.
Apat ang nagtamo ng minor injuries at ikinasawi ng tatlong alagang hayop, ayon sa Bureau of Fire Protection.
Dikit-dikit ang mga bahay kaya mabilis na kumalat ang apoy kaya agad itinaas sa ikalawang alarma ang sunog bandang alas-singko ng umaga.
Ayon sa isang apektadong residente, hinihinalang isa sa kanilang kapitbahay nagsimula ang sunog dahil marami itong karton na nakatambak. Umabot sa isandaang pamilya ang naapektuhan at nasa apatnapung bahay naman ang natupok ng sunog.
Pagsapit ng alas-siete ay idineklarang fire out na ang insidente ng Bureau of Fire Protection (BFP). Ni MARVIN EMPAYNADO
The post 3 alagang hayop nasawi sa sunog sa Mandaluyong appeared first on Journal News Online.