
NAGULAT pala ang actor na si Sam Milby nang isiwalat ng dating girlfriend na si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa interbyu nito sa ABS-CBN ang ilang detalye ng kanilang paghihiwalay.
“Was I surprised? Yes,” sagot ng aktor sa tanong kung ano ang reaksyon niya rito.
Ngumiti lamang ito at matipid na sumagot tungkol sa kanyang reaksyon.
“My reaction is just… I just wanna keep ‘yung sa amin ni Cat, private, honestly,” patuloy niya. “And I just dont want to comment. That’s pretty much it.”
Kasama si Sam sa Prime Video hit series na ‘The Alibi’ na tinatampukan nina Kim Chiu at Paulo Avewlino. Mapapanood na ito sa free TV bilang ‘The Alibi: Ang Buong Katotohanan’ sa Kapamilya Channel, ALLTV2 at A2Z simula sa Marso.
Sa interbyu ni Karen Davila sa kanyang vlog, sinabi ni Catriona na napagtanto raw ni Sam na hindi pa siya handa na mag-asawa.
“There was a point in our relationship where I think he just realized that he wasn’t ready to take it to the stage of commitment that we thought we were on, because he had proposed,” ani Cat kay Karen.
“And then, a few months later, [he] realized that hindi pala siya ready. So, that was very hurtful for me, and I was really blindsided at the time.”
Sinubukan pa raw ayusin ni Cat ang mga bagay-bagay sa pagitan nila sa pamamagitan ng pag-unawa at paga-adjust pero naramdaman niya sa huli na wala rin itong patutunguhan.
“[When] you love someone, you’re willing to understand them. Pero, it got to a point na, at that age, and what we’ve been through, and hindi ka pa rin sure, I think that’s an answer already,” ayon kay Catriona..
Sa ngayon, umaasa pa rin si Catriona na makatatagpo ng tamang kapareha sa buhay sa hinaharap. In fact, inamin niyang nagsimula na siyang makipagrelasyon sa isang lalaking hindi taga-showbiz.
Nagsimula ang relasyon nina Sam at Catriona noong 2020 at na-engage noong February 2023. Nagsimula naman ang tsismis na break na sila noong 2024 pero nakumpirma lamang noong 2025.
May hinala ang iba na na-intimidate si Sam sa lakas ng personalidad ni Catriona na naging dahilan ng unti-unting pagkakaroon nila ng problema. Nakatutuwa lang isipin na sa ‘The Alibi,’ may pagka-kontrabida ang papel ni Sam at sinabi niya sa presscon na: “I like it when I do GRAY characters. I think I shine more in gray characters.”
The post Ang dahilan ng paghihiwalay nina Catriona at Sam appeared first on Journal News Online.