Kris at Boy mahirap tibagin ang friendship

HINDI talaga matatawaran ang special bond sa pagitan ng dating TV partners and special friends, ang Queen of All Media na si Kris Aquino at ang King of Talk na si Boy Abunda na nagsimula nung sila’y magsama sa showbiz-oriented talk show on GMA, ang “Startalk” nung October 8, 1995 until their move to ABS-CBN kung saan naman nila sinimulan ang “The Buzz”. Nagsama rin ang dalawa sa ilan pang showbiz talk shows tulad ng “Aquino and Abunda Tonight” at “Boy and Kris”.

There were times na nagkatampuhan sina Kris at Boy (tulad ng ibang magkakaibigan) but it never went public dahil nanatili ang kanilang pagmamahal at respeto para sa isa’t isa.

When Kris left for the U.S. for further medical treatment na inabot ng mahigit dalawang taon, Boy visited her sa kanyang rented house in California, USA. Ang dalawang anak ni Kris na sina Joshua at Bimby ay itinuturing ni Boy na mga anak-anakan. Katunayan, makailang-beses ding ipinagbilin ni Kris kay Boy ang dalawa niyang anak sakaling may mangyari sa kanya and Boy promised her to take good care of them.

Sa birthday salubong celebration ni Kris nung February 14, Valentine’s day, ay isa si Boy sa close friends ng TV host-actress na dumalo. Sobrang ina-appreciate ni Kris ang kakaiba nilang pagkakaibigan ni Boy over three decades.

“The keeper of my secrets and a true friend I can depend on,” pahayag noon ni Kris about Boy.

Sa sick bed ng yumaong dating Pangulo ng bansa at ina ni Kris na si Cory Cojuangco-Aquino ay ipinagbilin din nito (Cory) ang kanyang anak kay Boy na nagma-may-ari ng dalawa sa mga rare paintings ng namayapang dating Pangulo na iniregalo sa kanya ng huli.

Kris turned 55 last February 14 at kasama sa kanyang dasal ang umabot pa siya ng 60 at ngayon hanggang 68 para matagal pa niyang makasama ang kanyang mga anak, mga kapatid, mga kaanak at malalapit na kaibigan.

Ang eldest son ni Kris na si Joshua Aquino (30) ay anak niya sa veteran actor na si Phillip Salvador habang si Bimby (James Aquino Yap, Jr.) – 18 ay anak naman niya sa kanyang ex-husband, ang dating cager-turned politician na si James Yap.

Michelle nagsampa ng cyber libel case laban sa internet personality

NAGSAMPA ng reklamo sa NBI Cyberlibel Division ang Kapuso actress at dating beauty queen na si Michelle Dee laban sa controversial internet personality na si Xian Gaza at apat pang social media pages. Kasama ni Michelle ang kanyang legal counsel na si Atty. Maggie Abraham Garduque. Ang reklamo ay may kinalaman sa mga maling paratang sa kanya at sa dalawa niyang kaibigan sa ginawa umano nilang pananakit sa driver ng kaibigan at kapwa Kapuso actress na si Rhian Ramos.

Si Michelle ay anak ng dating actor at businessman na si Derek Dee at ng aktres at dating beauty queen na si Melanie Marquez. She has another sister from the same parents, si Maxine habang meron silang four maternal half-sibling brothers na sina Manuelito (anak ni Melanie sa actor-politician na si Lito Lapid), Mazen (sa dating Arab sheik partner) at sina Abraham and Adam sa American ex-husband ni Melanie na si Adam Lawyer.

Star-studded Chinese New Year celebration

ISANG star-studded Chinese New Year celebration ang ginanap sa Beautederm corporate headquarters in Angeles, Pampanga na pinangunahan ng CEO-founder na si Rei Anicoche-Tan. Ito’y dinaluhan ng kanyang pamilya, close friends in and out of the business at celebrities na bahagi ng Beautederm family tulad nina Lorna Tolentino, Dennis Trillo, Ejay Falcon, Thou Reyes, Sunshine Garcia, Nadine Samonte, Cacai Bautista, Jai Ho, Sugar Mercado, Rochelle Barrameda, Darla Sauler at iba pa. Overflowing ang food at hindi rin nawala ang ampao at mga Beautederm products sa mga dumalong bisita.

Ang 73-year-old mom ni Rei na si Mommy Pacita Ramos-Anicoche at iba pang kapamilya at mga kamag-anak ay nag-travel pa all the way from Vigan, Ilocos Sur para lamang makadalo sa Chinese New Year celebration ng Beautederm. Karamihan sa mga bisita ay nagmula pa ng Maynila.

Napakalayo na talaga ng narating ni Rei at ng kanyang Beautederm skincare brand na may napakarami nang distributors all over the Philippines maging sa ibang bansa including Singapore.

Bukod sa kanyang five-storey building in Angeles City which houses his various companies tulad ng A-List Avenue (where branded items are being sold), ang BeauteHaus, isang aesthetic clinic, ang state-of-the art AK Studios (for photo shoots and video productions), Beaute Beanery na isang restaurant-coffee shop at iba pa. Dito rin matatagpuan ang tanggapan at business operation ng Beautederm. Bukod sa Beautederm Corporate building in Angeles City, nakapagpatayo din siya ng Spanish-American-inspired mansion in Vigan, Ilocos Sur in honor of her loving mother na si Mama Pacita Ramos-Anicoche, ang Pacita Mansion.

Beautederm has about a 100 brand ambassadors na binubuo ng mga top showbiz personalities which include Vice Ganda, Ion Perez, Lorna Tolentino, Bea Alonzo, Maja Salvador, Piolo Pascual, Sam Milby, Darren Espanto, Sylvia Sanchez, Jennylyn Mercado, Dennis Trillo, couple Shaira Diaz and EA Guzman, Ruru Madrid, among others.

A very generous person, a mother of two and a successful businesswoman, si Rei ay maituturing na epitome of woman empowerment.

SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.

The post Kris at Boy mahirap tibagin ang friendship appeared first on Journal News Online.

About admin