Mga puno nabubuwal, monster traffic sa freeway
PATULOY na nananatili ang banta ng baha at pagtaas ng niyebe para sa milyun-milyon sa buong baybayin ng California habang ang isa pang round of moisture ay nagtutulak sa loob ng Karagatang Pasipiko.
Ito ay matapos manalanta ang mga bagyo at araw-araw na pag-ulan sa nasabing estado.
Samantala, ang makapal na niyebe mula sa mga bulubundukin ng Hilagang California patungo sa katimugang bahagi ng Sierra ang naging dahilan ng pagkabuwal ng mga puno at mga matinding trapiko sa mga apektadong freeway.
Iniulat ang pagbaha noong Lunes sa mga bahagi ng California, pagkatapos bumagsak ang ilang pulgadang pag-ulan sa Los Angeles Basin.
Tatlo hanggang limang pulgadang ulan naman ang bumagsak sa Coastal Range sa hilaga ng Bay Area.
Isinara ang ilang bahagi ng Topanga Canyon Boulevard sa Westside ng Los Angeles dahil sa mga debris slide at tumaas ang niyebe hanggang sa mga panel ng mid-door ng ilang mga sasakyan sa kapitbahayan ng Westwood.
Isinailalim din ang Los Angeles sa isang Severe Thunderstorm Warning sa ikalimang pagkakataon sa nakalipas na dalawang taon.
Habang sinusulat ang balitang ito ay patuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan sa iba’t-ibang panig na California. People’s Tonight Los Angeles Correspondent
The post Baha, pagtaas ng makapal na niyebe sa California tumitindi appeared first on Journal News Online.