CAVITE CITY–Limangpung mag-jowa ang sabay-sabay nagsabi ng “I do” sa mass wedding sa syudad na ito noong Valentine’s Day na pinangunahan ni Mayor Denver Chua.
Kakaiba ang pinagdaanan nina Lennon Rohan at Kriscell Baluyot, isang batang magkasintahan na muntik nang hindi makadalo sa kanilang mismong kasal.
Hinimatay ang bride sa gitna ng paghahanda dahil sa matinding pagod at kakulangan sa tulog at pagkain habang inaasikaso ang mga detalye ng kanilang espesyal na araw.
Isinugod sa Salamanca Hospital upang mabigyan ng agarang atensyong medikal para matuloy ang kasal.
Naka-recover si Kriscell at nagpasyang humabol sa seremonya kaya natuloy ang kasal.
Ayon kay Mayor Chua, ang kanilang kuwento ay patunay na ang tunay na pag-ibig ay hindi sumusuko sa pagod, pagsubok o hindi inaasahang pangyayari.
Umabot sa 555 couples naman ang sabay ikinasal ni Mayor Jenny Barzaga sa Dasmarinas arena, 119 couples naman ang ikinasal ni Mayor Strike Revilla sa Strike Gym sa San Nicolas II.
Mahigit 100 ang nakatakdang ikasal sa Bayan ng Rosario sa buong February.
The post Mass wedding sa Cavite City ginanap noong Valentine’s Day appeared first on Journal News Online.