May pagka-comedy ang naging celebration ng Valentine’s Day ni “Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition” Big Winner Mika Salamanca matapos makatanggap ng flower petals at bouquet of flowers.
Sa Instagram Story ng dalaga ay mapapanood ang video ng mga bulaklak na natanggap. Pero ang siste, cash on delivery raw ito at siya pa ang pinagbabayad.
Sey niya, “Ang funny kasi may nagpadala sa condo ko ng mga petals ng flowers, tapos may nagpadala din ng isang bouquet na flower. Tapos, cash on delivery, beh!”
Naloka siyempre si Mika sa kakaibang surprise na natanggap niya.
“So, ano ‘to? Ako magsu-surprise… cash on delivery… bayad ko ‘yung flowers, ako magsu-surprise sa sarili ko?” aniya.
Sa sumunod na video na ipinost niya ay makikitang naroroon na ang kaibigan niyang content creator na si Von Razo sa room niya at ikinakalat sa bed niya ang petals ng flowers.
Si Von pala ang nagpa-deliver sa kanya ng mga bulaklak.
Natatawa naman si Mika habang sinisita niya ito, “Ano ba? Bakit nauna pa ang flowers sa ‘yo tapos COD pa?”
Tawa rin nang tawa si Von at paliwanag niya, “Hindi na-align nang maayos. Sorry na.”
Sa isang reel ay makikita namang inaabot ni Von ang bouquet of flowers kay Mika at binati siya ng “Happy Valentine’s.”
The post Mika comedy ang V-Day celebration appeared first on Journal News Online.