1K-plus magkasintahan ikinasal sa Caloocan

MAHIGIT 1,000 mag-jowa ang nagpalitan ng ‘I do’ sa Kasalang Bayan noong Valentine’s Day sa Caloocan City Sports Complex.

Si Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang namuno sa seremonya na bahagi ng 64th cityhood anniversary ng Caloocan.

Hinimok ng mayor ang mga bagong kasal na maging matatag, lalu na sa mahirap na yugto ng pagsasama bilang mag-asawa.

“Ito po ay commitment na panghabang-buhay, walang expiration date, at lalong hindi ito nagtatapos sa pagsasabi lang ng ‘I love you’.

Sa bawat pagsasama, panatilihin ninyo ang respeto sa isa’t-isa at igalang ang inyong mga asawa,” payo pa ng alkalde.

Tiniyak din ni Mayor Along sa mga bagong kasal na may mga programa ang lokal na pamahalaan na susuporta at tutulong sa kanila at sa kanilang pamilya sa bawa’t yugto ng kanilang buhay.

“Mula ngayon sa inyong kasal, hanggang sa panganganak, mga serbisyong pangkalusugan, pag-aaral at maging sa hanapbuhay at trabaho na maaring kailangan ninyo, naka-antabay po ang mga proyekto ng pamahalaang lungsod,” wika ng alkalde.

The post 1K-plus magkasintahan ikinasal sa Caloocan appeared first on Journal News Online.

About admin