Planta ng pekeng yosi ni-raid sa Pampanga; P115M-makina nakita

SAN SIMON, Pampanga–Ni-raid ng mga miyembro ng Pampanga police ang hinihinalang processing plant ng mga pekeng sigarilyo noong Huwebes sa Global Aseana Business Park 1 sa Brgy. Dela Paz, San Simon, Pampanga at nadiskubre ang mga hilaw na tabako, giniling na sangkap ng tabako at mga makina sa pag-process ng sigarilyo na may halagang P115 milyon.

Natagpuan ang siyam na malalaking makinang pang-industriya na tinatayang may kabuuang halaga na P115 milyon.

Ang ilan sa mga makina ay ginagamit sa pagpapatuyo habang ang iba naman ay para sa paggiling ng hilaw na tabako, mga kagamitang karaniwang ginagamit sa operasyon ng paggawa ng sigarilyo.

Isinagawa ang pagsalakay alinsunod sa pagpapatupad ng Customs Letter of Authority (LOA) na inilabas ng Bureau of Customs (BOC).

The post Planta ng pekeng yosi ni-raid sa Pampanga; P115M-makina nakita appeared first on Journal News Online.

About admin