
Pulisya agad tumulong
Hindi pinayagang makasakay sa commuter van pauwi sa kanyang bayan ang isang mentally challenged na lolo dahil sa hindi kanais-nais na amoy noong Pebrero 12, 2026.
Nang malaman ang sitwasyon, agad na kumilos ang mga pulis na naka-deploy sa Tacloban City New Bus Terminal upang tulungan ang matanda.
Dinala ng mga Police Officers ng Police Station 2 ang lolo sa kanilang opisina, binigyan ng malinis na damit, at tinulungang maligo upang maibalik ang kanyang dignidad.
Nagkaloob din ang mga pulis ng tulong pinansyal para sa pamasahe, hanggang sa masiguro ang ligtas na pag-uwi ng matanda sa kanyang sariling bayan.
Ayon kay PNP Chief PGEN Jose Melencio C. Nartatez Jr., “Serving the public requires us to respond when people need help. Ang bawat indibidwal ay nararapat tratuhin nang may respeto at malasakit.”
Dagdag pa niya, “Our responsibility goes beyond law enforcement. We also help those who cannot help themselves. Sa ganitong paraan, ipinapakita natin na ang kapulisan ay katuwang ng komunidad.”
Ang pangyayaring ito ay bahagi rin ng PNP Focused Agenda, na nakatuon sa Enhanced Managing Police Operations, lalo na sa mga sitwasyong nangangailangan ng agarang pagtugon at pakikipag-ugnayan sa komunidad.
Sa ligtas na pag-uwi ng lolo, naipakita ang malasakit at pangangalaga ng kapulisan sa bawat mamamayan.
Sa ilalim ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., patuloy na pinatitibay ng PNP ang serbisyong nakasentro sa tao at pinapaigting ang “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas:
Serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman.”
The post LOLO NA MAY AMOY DI PINASAKAY NG VAN appeared first on Journal News Online.