ANG tindi ng propaganda ng mga nagpapainit sa awayang Pinas at China.
Ang alegasyon nila, ang mga pulitiko, mga lehitimong tao, mga sektor at mga media na kumakampi sa China ay mga traydor sa bayan at bayaran.
Ang nakikita nila ay iyong hindi sang-ayon sa kanilang ginagawa na pag-alabin ang gulo at tuluyang masira ang relasyon ng dalawang bansa. Hindi nila naisasama sa equation ang pagsagip sa mahigit kalahating milyong OFWs na mawawalan ng trabaho kapag tuluyang nasira ang relasyon, at ang pakinabang sa ekonomiya ng bansa kapag nalusaw ang pagiging trade partnership.
Puro lang tayo putak at kahambugan nang walang pagsasaalang-alang sa konsekuwensiya ng ating mga ginagawa. Ganyan ang karakter ng kababawan na ang gusto ay pansariling interes lang ang inuuna.
Aminin man nila o hindi, may nagsususi sa kanila para palakihin ang Pinas-Tsina conflict at maalis ang atensyon ng publiko sa mga totoong sangkotsa flood control projects sa nakaraang tatlong taon.
Wag the dog doctrine ang kanilang ginagawa upang libangin ang mga tao sa ibang isyu at pagtakpan ang katiwalian na lumumpo sa ating ekonomiya.
Sige nga, busisiin at pag-aralan nyo nga ang isyu ng ating ekonomiya ngayon, pero ang nasa isip nyo ang pag-aakusa sa mga hindi ayon sa inyo?
Habang pinalalaki nyo ang away natin sa Tsina na hindi naman dapat, nalulubog nang husto ang bansa.
At sa gitna ng lahat ng ito, nakukuha nyo pang akusahan ang mga hindi sang-ayon sa inyo na nagpapagamit sa China?
Kung sabay-sabay lang tayong huhusgahan, malalatantad kung sino talaga ang mga taksil sa bayan.
Di ba dapat ang DFA nage-eeffort para kausapin ang mga pulitikong nagpapalaki ng gulo?
Sayang ang budget ng DFA kung walang gagawing pagkilos para payapain ang namumuong tensiyon ng dalawang bansa na historically ay magkaibigan naman magmula pa sa panahon ni Chairman Mao.
The post Wag the dog doctrine appeared first on Journal News Online.