NAGHAIN si Sen. Risa Hontiveros ng resolusyon pa imbestigahan ng Senado ang lumalalang kalagayan ng industriya ng asukal, kabilang ang pagrerepaso sa charter ng Sugar Regulatory Administration (SRA) at Sugar Industry Development Act (SIDA) of 2015.
Ayon kay Hontiveros, sa kabila ng pagpasa ng SIDA at pag-iral ng SRA, patuloy umanong humihina ang competitiveness ng industriya ng asukal sa mga nakaraang taon dahil sa mababang farm productivity, mataas na production costs at inefficient milling operations.
Binanggit sa Senate Resolution No. 298 na nahuhuli na ang lokal na mga sugar producer kumpara sa sugar farmers ng Brazil, Thailand, at Colombia.
Kahit umabot sa 4-year high ang local production noong 2025, 87 percent lamang ng local demand ang natugunan ng domestic supply.
Ayon pa sa resolusyon, nananatiling mataas ang presyo ng asukal sa kabila ng imports at lower global prices.
Nagbabala rin ang senador na ang mas murang sugar substitutes at misdeclared imports ay nakakasama sa local producers at nagdudulot ng revenue losses sa gobyerno.
“Ang ating mga magsasaka ay namomroblema sa tumataas na cost pero mababa ang productivity. Habang patuloy namang nagdurusa ang mga konsyumer sa mataas na presyo ng asukal. The system is failing both farmers and consumers,” Hontiveros said.
Tinatayang nasa 700,000 manggagawa ang umaasa sa sugar industry para sa kanilang kabuhayan.
Kasama rin sa hinihingi ng resolusyon ang pagrerepaso sa kasalukuyang SRA regulations na inuugnay ang sugar import privileges sa mandatory purchases at warehousing ng local buffer stocks, pati ang compliance sa US export quotas.
Ayon sa resolusyon, lumilitaw na mas napapaboran dito ang malalaki at may kapital na trader-millers at posibleng nauuwi sa pagkonsentra ng kontrol sa sugar market sa kamay ng iilang player.
Ayon pa sa resolusyon, nilayon ng SIDA na palakasin ang competitiveness ng sugar industry at itaas ang kita ng mga magsasaka, ngunit mahigit isang dekada na ang lumipas, kailangan na repasuhin ang implementasyon nito at ang paggamit ng P2 bilyong taunang budget dahil nananatiling hindi natutupad ang mga layunin.
The post Senado hiniling imbestigahan kalagayan ng industriya ng asukal appeared first on Journal News Online.