Perhuwisyo ang port congestion

MALIGAYANG araw sa ating mga suki, lalo na sa mga kababayan natin sa Japan at iba pang panig ng daigdig.

Nawa’y nasa mabuti at ligtas kayong kalagayan.

Binabati natin sina Ma. Theresa Yasuki, Mama Aki ng Ihawan, Glenn Raganas, Patricia Coronel, La Dy Pinky, Endo Yumi, Roana San Jose, Winger dela Cruz, Yoshiko Katsumata, Josie Gelo, Hiroki Hayashi, at kay Hiroshi Katsumata.

Binabati rin natin si Joann de Guzman at mga kasama niya sa Oman; Dolores Monfero, Delia Sunga ng Saudi Arabia.

God bless sa inyong lahat!

***

Determinado ang gobyerno, sa pamamagitan ng Bureau of Customs (BOC), na maging “world class” ang serbisyo sa Pilipinas.

Para maging “world class” ang serbisyo sa mga port of entry ay dapat paigtingin ng ahensya ang trade facilitation efforts.

Sa tingin ng marami ay makatutulong ng malaki sa hangaring nito ang agarang pag-address sa “port congestion.”

Perhuwisyo ang port congestion sa mga importador at customs brokers na naghahangad ng mabilis na paglabas ng kanilang mga importasyon.

Kaya tama lang ang ginawa ni Customs Commissioner Ariel F. Nepomuceno na humingi na ng tulong sa Association of International Shipping Lines, Inc. (AISL) para mawala ang port congestion.

Sa kanyang sulat kay AISL Director Patrick Ronas, ipinaalala ni Commissioner Nepomuceno ang “90-day container dwell time rule” na nakapaloob sa Customs Administrative Order No. 8-2019.

Ito ang order na nagsasaad ng “Policies on the Admission, Movement and Re-Exportation of Containers at the Seaports” na naglalayong maiwasan ang pagsisikip sa mga pantalan.

Inaasahang aaksyon agad ang AISL para alisin na ng mga shipping lines ang kanilang mga empty container vans na matagal ng nasa mga pantalan.

Pagkaupo nga ni Pangulong Marcos noong 2022 ay iniutos niya na lalong pagandahin ng BOC ang serbisyo sa aduana.

Ito nga ang ginagawa ng mga opisyal at tauhan ni Customs Commissioner Ariel F. Nepomuceno para mapalaki rin ang revenue collection ng BoC.

***

Sa taong ito ay umabot na ng P479 milyon ang halaga ng illegal drugs na nakukumpiska ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) na pinamumunuan ni District Collector Yasmin O. Mapa.

Ang mga drogang ito ay nakapaloob sa mga bagahe ng incoming passengers.

Ang iba ay nakita sa mga unclaimed at abandoned air parcels na galing sa labas ng bansa, na kagaya ng Estados Unidos at Africa.

Noon ngang Pebrero 11 ay naka-intercept ang BOC at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) ng dalawang abandoned packages na naglalaman ng shabu.

Nagkakahalaga ng P22,997,600, ang mga droga ay galing ng Republic of Malawi sa Africa at Johannesburg, South Africa.

Ang unang parcel na nanggaling ng Malawi ay naglalaman ng shabu na tumitimbang ng 2,370 gramo at nagkakahalaga ng P16.1 milyon.

Ang pangalawang package na galing ng Johannesburg na tumitimbang na 1,012 grams ay tinatayang nagkakahalaga ng P6.8 milyon.

Ang lamang droga ng dalawang parcels, na deklaradong CCTV kits, ay nasa kamay na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) “for proper disposal and further investigation.”

Sinabi ni Customs Commissioner Ariel F. Nepomucenono ang pagkaka-intercept ng mga droga ay nagpapatunay lamang na determinado ang BOC na pigilan ang pagpasok ng lahat ng kontrabando sa bansa.

Ito ay naaayon sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.na lalong paigtingin ang border security efforts para mapangalagaan ang health and safety ng mgakababayan natin.

***

Sa linggo ay Marso 1, ay malamang na magsimula na ang panahon ng tag-init o summer season sa Pilipinas.

Sasakit na naman ang ulo ng mga magulang, lalo na ang mga mahihirap, dahil ang susunod na tatlong buwan(Marso, Abril at Mayo), ay magastos sa bansa.

Nandiyan ang lahat ng kasayahan, graduation ng mga bata, mga pista, field trips, reunions, kasalan, binyagan at iba pang paggagastosan.

Pero ang mahalaga ay mag-ingat sa mga sakit na usong-uso kapag panahon ng tag-init.

Mabuti sana kung may mga makukuhang libreng gamot at bitamina sa mga barangay at municipal health centers.

Ang problema kasi, maliban sa mga syudad at malalaking bayan, walang mahinging gamot sa maraming lugar dahil sa kawalan ng pondo o dahil sa paboritismo.

Hinaing nga ng marami, kung malayo ka sa kusina ay sorry ka na lang.

Talaga naman!

(Para sa inyong komento at pagbati, mag-text sa:+63 9178624484/email:philipreyes08@yahoo.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

The post Perhuwisyo ang port congestion appeared first on Journal News Online.

About admin