Coco nagka-anxiety, nag-ubos ng pera sa ‘Batang Quiapo’

Kumpirmadong magtatapos na ang “FPJ’s Batang Quiapo” matapos ang tatlong taon nitong pamamayagpag sa ere.

Si Coco Martin mismo, producer/direktor/aktor ng serye, ang kumumpirma nito sa kanyang panayam sa ABS-CBN.

Aniya, mapapanood na ang finale ng serye sa March 13.

“Actually, dati ang daming nagtatanong sa akin niyan. Kasi nga siyempre, nabalitaan nila ‘yong nangyari sa network na nagkaroon ng problema. Laging sinasabi sa akin na parang ‘naku, mukhang tatapusin na yata ang ‘Batang Quiapo.’

“Kami naman bilang mga manggagawa, bilang mga empleyado, naghihintay lang kami na kausapin ng management kung ano ang decision. Wala namang sinasabi sa amin na tatapusin na ang ‘Batang Quiapo.’ Ang sinasabi lang lagi sa amin, ‘Basta tuloy n’yo,’” pahayag ni Coco.

Dagdag pa niya, “Nu’ng naramdaman ko na, na si Tanggol (pangalan ng kanyang karakter sa BQ), ‘yung karakter ni Tanggol, parang nagawa na niya lahat nu’ng elements na ano. Hanggang sa natalo siya du’n sa eleksyon.

“Ano pa ba ‘yung pinaka-major na tatakbuhin nu’ng kwento? Nu’ng ginalaw ko na ‘yung kwento, ginalaw ko na ‘yung mga karakter, naramdaman ko na parang hanggang dito na lang ‘yung takbo ng buhay ni Tanggol sa Quiapo.”

Aniya pa, “Mahirap sabihin, kahit ako, kasi ako ‘yung gumagawa, pinaghihirapan namin lahat. Nagkakaroon ka ng anxiety, kasi after three years isinabuhay mo ‘yung character and then araw-araw halos nagtatrabaho kayo.”

“Ang hirap lumabas sa bibig. Ang hirap tanggapin din na, papasok din sa ano mo na, matatapos na. Magtatapos na.”

At one point ay naging emosyonal pa si Coco at paliwanag niya, “Nagiging emotional ako kasi hirap na hirap talaga kami. Sobrang hirap talaga ng paggawa ng ‘Batang Quiapo.’ Hindi lang ang pagbuo, kundi ‘yung pag-arte, lahat — all aspects, crew, directors, production.”

Pahayag pa niya, “Hindi ko alam kung masaya ako o nalulungkot ako. Para bang meron kang isang karelasyon o may inalagaan kang bata, may isa kang mahal sa buhay tapos after that maghihiwalay na kayo. ‘Yun ang nararamdaman ko ngayon, ngayon siya sa akin nagsi-sink in,” dagdag pa ng aktor.

Tungkol naman sa mga aabangan sa finale ng show, ayon kay Coco, pinaghandaan talaga nila ito nang husto.

“Pinaghandaan namin ang pagtatapos ng ‘Batang Quiapo,’ more than sa pagtatapos ng ‘Probinsyano.’

“Nag-ubos kami dito ng lakas, ng pera. Kasi sabi ko nga, hindi ko bibitinin ang mga manonood. Three years nila kaming sinamahan sa kanilang mga tahanan, gusto ko deserve nila ‘yung ending,” saad ng Kapamilya Primetime King.

“Ngayon, sa nalalapit na tatlong linggo, sabi ko, malungkot at siyempre, masakit para sa akin na matatapos na ‘yung journey ni Tanggol,” sey pa ni Coco.

The post Coco nagka-anxiety, nag-ubos ng pera sa ‘Batang Quiapo’ appeared first on Journal News Online.

About admin