Rizal police handa sa trillion peso march

NAKA-deploy na ang Reactionary Standby Support Force (RSSF) sa Maynila ng Rizal Police Provincial Office (PPO) sa ilalim ni Police Colonel Feloteo Gonzalgo para sa trillion peso march sa Feb. 25.

Layunin ng deployment na magbigay ng dagdag na puwersa at suporta upang mapanatili ang kapayapaan, seguridad at kaayusan sa gitna ng nakatakdang kilos-protesta.

Binigyang-diin ni P/Col. Gonzalgo na handa ang kapulisan ng Rizal na tumulong kung kinakailangan bilang bahagi ng kanilang tungkulin na magsilbi sa publiko.

The post Rizal police handa sa trillion peso march appeared first on Journal News Online.

About admin