Marijuana napulot sa Cabuyao HS

MAY napulot na tinatayang 0.25 na gramo ng tuyong dahon ng marijuana sa isang classroom ng Cabuyao Integrated National High School at itinurn over sa Cabuyao police noong Miyerkules.

Ayon kay P/Lt. Randy Oliquino, hepe ng Cabuyao police, dinala ng faculty adviser ang marijuana sa kanilang headquarters.

Natagpuan ang marijuana bandang alas-4:17 ng hapon at posibleng itinapon ng isang estudyante.

Ayon sa pulisya, nagle-lecture ang faculty adviser nang mapansin ang plastic sachet na may marijuana.

The post Marijuana napulot sa Cabuyao HS appeared first on Journal News Online.

About admin