LTO naglabas ng memo para sa temporary registration ng mga sasakyan

NAGLABAS ang Land Transportation Office (LTO) ng memorandum circular MVL-2026-4911 na nagtatakda ng mga panuntunan sa paggamit ng Temporary Certificates of Registration para sa mga motor vehicle, motorcycle at trailer kasunod ng pagkaantala sa delivery ng security paper para sa certificate of registration (CR).

Ayon sa LTO, ang limitadong suplay ng security paper ay dahil sa pagkaantala mula sa National Printing Office.

Sa ilalim ng circular, gagamitin ang Temporary CR bilang pansamantalang dokumento hanggang maging available ang opisyal na CR na nakaimprenta sa security paper.

Saklaw ng direktiba ang lahat ng New Registration Units, Authorized District Offices at District o Extension Offices na nagpoproseso ng bagong rehistro at miscellaneous transactions para sa mga motor vehicle, motorcycle, at trailer.

Nire-regulate ng memorandum ang pag-iisyu at paggamit ng Temporary CR habang may limitadong suplay at nagbibigay-daan sa tuloy-tuloy na pagproseso ng mga transaksyon.

Nakasaad din na pananatilihin ang accountability at kontrol sa mga accountable forms.

Kapag naging available na ang security paper, uunahin ng mga kinauukulang tanggapan ang pag-imprenta at pagpapalabas ng opisyal na CR para sa mga naunang nabigyan ng Temporary CR.

Aabisuhan ang mga rehistradong may-ari at awtorisadong kinatawan hinggil sa availability at release ng opisyal na certificate of registration.

The post LTO naglabas ng memo para sa temporary registration ng mga sasakyan appeared first on Journal News Online.

About admin