Naghain ng reklamong cyber libel ang Kapuso actress-beauty queen na si Michelle Dee laban sa social media personality na si Xian Gaza.
Personal na nagtungo ang aktres sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) nitong Lunes, Pebrero 16, kasama ang legal counsel na si Maggie Garduque upang magsampa ng kaso sa tinaguriang “Pambansang Lalaking Marites.”
Ayon sa ulat, nagsampa ng kaso si Michelle dahil umano sa mga false information na ikinakalat sa kanya ng naturang media personality at hindi raw dapat palagpasin ang mga ganitong gawain.
Hindi na idinetalye pa ni Michelle kung ano ang mga fake news na inilabas sa kanya ni Xian.
“The point here is hindi dapat i-normalize ang pagsasalita nang gano’n towards sa mga babae, I think we should respect women’s rights in privacy,” pahayag ni Michelle.
Idiniin din ng beauty queen/actress na naniniwala siya sa justice system at umaasang lalabas din ang katotohanan.
The post Xian Gaza kinasuhan ni Michelle Dee appeared first on Journal News Online.