May bagong family drama na aabangan at susubaybayan online. Kuwento ito ng hidwaan ng dalawang magkapatid na hindi nagkaroon ng pagkakataong magkakilala. Panoorin ang She’s Not My Sister sa Viva Movie Box.
Mula sa direksyon ni Temi Cruz Abad, ang She’s Not My Sister ay isang 55-episode series na pagbibidahan nina Louise delos Reyes, Andrea Babierra, Jojo Abellana at Lilet.
Kilalanin si Daniella (Louise), mayaman, maganda at matalino. Kung titignan, tila wala na siyang mahihiling pa sa buhay. Pero sa likod ng karangyaan at ng mukhang perpekto niyang pamumuhay, may malalim na sugat sa puso niya at sa kanilang buong pamilya: ang pagkawala ng bunso niyang kapatid na si Danica (Andrea).
Sa hindi inaasahang pagkakataon, muling magbabalik ang matagal na nilang hinahanap.
Makikita nila si Danica, at sa wakas ay muli silang mabubuo.
Ngunit sa pagdating ni Danica sa kanilang buhay, si Daniella naman ang makakaramdam na unti-unti siyang nawawalan ng espasyo sa kanilang pamilya.
Dito magsisimula ang alitan, kompetisyon at selosan sa pagitan ng dalawang magkapatid, hanggang sa dumating sa puntong pagdududahan na ni Daniella kung ang babaeng nakilala nila ay ang nawawala nga ba talaga niyang kapatid.
Alamin kung may pag-asa pang magkaayos at magkasundo sina Daniella at Danica.
Tuktukan ang drama at tiyak na mahu-hook kayo sa bawat eksena ng She’s Not My Sister streaming sa Viva Movie Box.
The post Hidwaang magkapatid hatid ng family drama sa Viva Movie Box appeared first on Journal News Online.