Tindahan ng auto spare parts sa Paranque tinupok ng apoy

Sunog1

Sunog2
Source: BFP Paranaque City

TINUPOK ng apoy ang tindahan ng mga piyesa ng sasakyan sa sunog na naganap Linggo ng madaling araw sa Paranaque City.

Umabot lamang sa unang alarma ang sunog na tumupok sa Reagan Auto Supply sa Quirino Avenue, Kabihasnan, Brgy. San Dionisio na nagsimula alas-2:15 ng madaling araw sa hindi pa batid na dahilan.

Wala namang nadamay na mga katabing establisimiento sa nangyaring sunog na nakontrol alas-4:05 bago tuluyang idineklarang fire out bago mag-alas-5 ng madaling araw.

Wala namang iniulat na nasaktan o nasugatan habang inaalam pa ang halaga ng naabong ari-arian at ang sanhi ng pagsiklab ng apoy.

The post Tindahan ng auto spare parts sa Paranque tinupok ng apoy appeared first on Journal News Online.

About admin