ISANG mapagpalang araw sa lahat ng ating suki.
Binabati natin ang mga kababayan natin sa Japan na sina
Ma. Theresa Yasuki, Patricia Coronel, Winger dela Cruz, La Dy Pinky, Endo Yumi, Tata Yap Yamazaki, Yoshiko Katsumata, Hiroki Hayashi, Roana San Jose at kay Hiroshi Katsumata.
Binabati rin natin sina Joann de Guzman at iba pang OFW natin sa Oman.
Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan at kalusugan.
***
“No match” sa gobyerno ang sindikatong nagpaparating ng mga iligal na droga sa bansa sa pamamagitan ng “postal and courier facilities.”
Kitang-kita ito sa mga ginagawang operasyon ng Bureau of Customs (BOC) sa tulong ng partner agencies na kagaya ng Philippine Drug Enforcement (PDEA).
Mula Pebrero 3 hanggang 6 ay nakasakote ang BOC sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City ng inbound parcels na may mga lamang dahon ng marijuana.
Mas kilala sa tawag na “kush,” ang mga high-grade na marijuanang ito ay nakapaloob sa 126 abandoned parcels sa NAIA, ayon sa BOC.
Ang BOC-NAIA ay pinamumunuan ni District Collector Ma. Yasmin O. Mapa, isang abogada,
Ang serye ng interdiction operations sa nasabing airport ay isinagawa ng BOC sa tulong ng PDEA at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG).
Tumitimbang ng 37,968 grams, ang “kush” ay tinatayang nagkakahalaga ng P56.9 milyon.
Ang mga pakete ay idineklarang naglalaman ng mga ordinaryong consumer goods, na kagaya ng clothing, magazines at ibang household items.
Ang mga kinumpiskang “kush” ay ibinigay ng BOC-NAIA sa PDEA para sa “proper disposition.”
Sa isang pahayag, sinabi ni Customs Commissioner Ariel F. Nepomuceno, napakahalaga ang “sustained vigilance and sustained inter-agency cooperation” sa kampanya laban sa illegal drugs.
“We are denying the syndicates the opportunity to use our postal and courier channels to move illegal drugs into the country,” dagdag ni Commissioner Nepomuceno.
Sinabi naman ni Collector Mapa na tuloy-tuloy ang ginagawa nilang operasyon laban sa pagpasok sa bansa ng anomang illegal goods.
Kaya dumarami ang mga abandonadong inbound parcels, takot i-claim ng mga consignees ang mga parcel na ito dahil alam nilang may mga lamang prohibited items ang mga pakete.
Maliban sa mga state-of-the-art scanning machines, nandiyan pa ang mga turuang sniffing dogs (K9) na nagbabantay sa ports of entry.
***
Mabuti naman at hindi nagpapa-apekto ang mga opisyal at kawani ng Bureau of Customs (BOC) sa mga nangyayaring bangayan sa politika sa bansa.
Alam kasi nilang kailangang lagi silang naka-focus sa pangongolekta ng buwis, taripa at iba pang bayarin, pati syempre paglaban sa ismagling at korapsyon sa aduana.
Hindi nila kailangang sumawsaw sa usaping politika dahil ibang trabaho ‘yan.
Dapat pabayaan nating magtrabaho ng husto ang mga kaibigan natin diyan sa aduana na hindi pinakikialaman ng mga politiko.
In the past kasi ay maraming politiko, nasyonal at lokal, ang nakikialam sa aduana.
Noon ay madalas nating marinig sa aduana ang mga salitang “bata ‘yan ni congressman, senador, governor, mayor at heneral.”
Pero ngayon, wala na tayong naririnig na ganyang mga salita dahil sa tingin natin ay off-limit na sa mga politiko ang waterfront.
Tama lang dahil noong mga nakaraang panahon ay madalas nagkaka-migraine ang mga opisyal at kawani ng BOC dahil sa pakikialam ng mga politiko.
Kung anu-anong pabor ang hinihingi ng mga politikong ito.
Pero ngayon, hindi na sila puwedeng makialam sa mga trabaho sa aduana.
***
Sana naman mabawas-bawasan na ang red tape, korapsyon at palakasan sa mga opisina at ahensiya ng gobyerno.
Sa hirap ng buhay ngayon ay dapat namang makinig na tayo sa panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pagbabago.
Huwag na nating pahirapan ang mga taong nanghihingi lang naman ng tulong sa gobyerno.
Hindi naman sila lalapit sa gobyerno kung wala silang kailangan sa mga lingkod-bayan, lalo na sa mga barangay sa buong bansa.
Ang gusto ni Pangulong Marcos ay tulungan ng mga otoridad ang mga taong nangangailan ng tulong pinansyal.
Alam naman natin kung gaano kahirap ang buhay ngayon dahil sa taas ng presyo ng mga bilihin, lalo na ang pagkain at medisina.
(Para sa inyong pagbati at opinyon, mag-text sa # +63 9178624484)
The post Nepomuceno: Sustained vigilance and sustained inter-agency cooperation appeared first on Journal News Online.