NABABAHALA si Sen. Sherwin Gatchalian hinggil sa mga alegasyon ng leakage sa mga professional licensure examinations na pinangangasiwaan ng Professional Regulation Commission.
“The point of coming up with an examination for professionals is to ensure that we have doctors, engineers, or teachers who are qualified.
Nakakatakot na mamatayan tayo dahil lang may leakage kaya nakapasang doktor o gumuho ang mga building dahil nakapasa na engineer dahil sa leakage.
Even though it’s an allegation, I’m very much concerned because we spend so much in regulating these professions and so much time in making laws,” sabi ni Gatchalian sa pagdinig sa Senado.
Ang pahayag ng senador ay kasunod ng ulat ng EDCOM 2 na nagsiwalat na may mga item mula sa March 2023 Board Licensure Examination for Professional Teachers na nag-leak online.
Gayunman, iginiit ni Dr. Rosita Navarro, chairperson ng Career Progression and Specialization Program Credit Accumulation and Transfer System Committee for Professional Teachers, na ang anumang leakage ay hindi nagmumula sa PRC, at ipinaliwanag na ang mga miyembro ng board ay karaniwang naka-quarantine habang binubuo ang questionnaire.
Nabanggit din sa pagdinig na may malakas na posibilidad na ang mga leakage ay nagaganap mismo habang isinasagawa ang aktwal na pagsusulit.
The post ‘LEAKAGE’ SA LICENSE EXAMS NAKAKALARMA — GATCHALIAN appeared first on Journal News Online.