KELOT PATAY SA VALENTINE-CUM- BIRTHDAY PARTY

Tinamaan ng bala sa baba

TIGOK matapos tamaan ng bala ng baril sa baba ang isang 63-anyos na lalaki sa birthday niya noong Valentine’s Day sa Brgy. Lumil, Silang, Cavite.

Naisugod pa sa Silang Specialist Medical Center ang nasabing lalaki subalit idineklara itong wala ng buhay dakong alas-4:00 ng hapon ng attending physician.

Ayon sa Silang police, isang tama ng bala sa baba ang ikinasawi ng biktima.

Ayon sa imbestigasyon, pinagdiriwang ng biktima ang kanyang kaarawan kasama ng mga kaibigan at kamag-anak dakong alas-2:00 ng hapon.

Habang nasa kasarapan ang kainan at inuman ng mga bisita umakyat sa loob ng bahay ang biktima at bigla na lamang binasag ng malakas na putok ng baril ang birthday celebration.

Umakyat ang ilang bisita at doon bumulaga ang duguang mukha ng biktima mula sa tama ng bala.

Walang indikasyon na magkakaroon ng trahedya sa mismong araw ng kapanganakan ng nasabing lalaki dahil naghanda pa ito ng pagkain, pulutan at alak, ayon sa mga pulis.

The post KELOT PATAY SA VALENTINE-CUM- BIRTHDAY PARTY appeared first on Journal News Online.

About admin