EX-BEAUTY QUEEN PINATAY SA HARAP NG MGA ANAK!

Ramilo1Ramilo2Ramilo3PATAY ang Miss Philippines-Earth 2013 runner up matapos barilin ng hindi pa nakikilalang suspect sa loob ng kanyang sasakyan sa San Manuel, Isabela.

Ang biktimang hindi na umabot ng buhay sa Manuel Roxas District Hospital ay nakilalang si Lulette Jane Ramilo-De Guzman, teacher, residente ng San Manuel.

Naganap ang insidente dakong 6:45 ng hapon sa tapat ng bahay ng biktima sa Barangay Cabaritan.

Lulan ang biktima ng kanilang Toyota Fortuner kasama ang mga anak nang pagbabarilin siya ng mga suspect na nakasakay sa motorsiklo.

Wala namang nasugatan sa tatlong anak ng biktima bukod sa pagkakaroon ng mga ito ng trauma dahil sa insidente.

Nagtamo ang biktima ng tama ng bala sa mukha at katawan na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Napag-alaman na ang biktima ay dating Ms. San Manuel at nakatanggap ng maraming award sa beauty pageant tulad ng Miss Global International at Miss Genuine Person.

Ayon kay Major Rogelio Natividad, hepe ng San Manuel Police, nakatutok ang imbestigasyon sa pagpaslang sa iba`t ibang anggulo.

Maaari aniyang personal, work related at iba pa ang dahilan ng pamamaril.

Wala parin aniya silang matukoy na lead at suspect sa insidente.

“We have no clear leads yet as to the motive or the suspects. We are processing the evidence and conducting follow-ups,” pahayag ng opisyal.

Hinihintay pa rin aniya ng mga awtoridad ang crime laboratory report para matukoy kung anong uri ng baril ang ginamit.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.

The post EX-BEAUTY QUEEN PINATAY SA HARAP NG MGA ANAK! appeared first on Journal News Online.

About admin