Heart now stronger, bolder, braver

STRONGER, braver, at bolder ngayon si Heart Evangelista matapos siyang pagtibayin ng mga nagdaang pagsubok sa kanyang buhay.

Ikinuwento ni Heart kung paano niya hinarap ang itinuturing niyang isa sa mga madidilim na bahagi ng buhay niya.

Nitong mga nakaraang buwan, masasakit na mga salita ang natatanggap ni Heart sa social media.

“In life, you go through different kinds of bigat na attention as we get older. When you’re in the industry and fly very close to the sun, you get burned from time to time. But as you age, you gain wisdom from everything, so tumataas nang tumaas yung immunity mo. Siguro yun yung sukatan kung bakit ako nakatayo now.”

Ayon kay Heart, mas nagpo-focus siya kanyang sarili ngayon.

“I think, I really truly live for myself even more now because alam ko kung mararating ko yung mga pangarap ko, alam ko kung ipagpapatuloy ko yung pinagtrabahuhan ko ng 28 years, mas marami pa akong magagawa sa mundo, and that for me is just for myself.”

“I really needed to heal myself and focus on myself because it’s my career and my dream and nobody else’s.”

Sa kabila ng mga kontrobersiya, mas iniingatan ni Heart ngayon ang kanyang relasyon sa mga taong nagma-matter sa kanya, lalo na ang relasyon niya sa kanyang ina na si Cecilia Ongpauco.

“The silver lining of this situation is the relationship with my mom. Talagang bumalik kami sa parang dati. And again, mind you, she’s my original momager. I needed that solid backbone to be inserted again. Siya na yung ano ko, comfort blanket.”

Ilalahad ni Heart ang iba pa niyang pinagdaraanan ngayon sa second season ng Heart World na mapapanood tuwing Sabado, simula March 7, sa GMA.

“Isa siyang roller coaster this season but the beauty about our reality show is that it really presents what’s really happening and I’m preparing to present that. And I’ve always been very transparent naman. So yeah, you will see what can be entertaining for some, but can be dangerous for me.”

Priscilla kinumpirmang divorced na kay John

Priscilla1JohnKINUMPIRMA ni Priscilla Meirelles na napawalang-bisa na ang kasal nila ng aktor na si John Estrada.

Ayon sa Brazilian beauty queen, naghain siya ng diborsyo sa Brazil noong 2024. Pumunta siya sa Brazil noong 2024 para maghain ng diborsyo.

“We are no longer married, which means bilang isang foreigner may karapatan ako to divorce my husband, so last year I went to Brazil and started the process of divorcing him.

“I didn’t announce to anyone kasi ayaw kong magsalita ng mga bagay na hindi pa napapatunayan. I wanted to be ready so when I open my mouth, it’s a fact. So I went to Brazil, I process the papers I needed to process. I left a power of attorney to my lawyer to apply for divorce,” pagbabahagi pa niya.

Ayon kay Priscilla nagdesisyon siyang idiborsyo si John matapos ang 14 taon dahil hindi na niya nakikita ang sarili na ibinabahagi ang kaniyang buhay na kasama si John.

“For me, the marriage is no longer valid, I don’t see myself sharing a life with that person anymore. I fought for 14 years and I got to the point where hindi ko na kaya and I realized after a lot of things that happened, the best thing for me is to really move forward mag-isa.”

Hindi raw masaya si John sa paghahain niya ng diborsyo, kaya kailangan niyang ipaliwanag ito sa aktor kung bakit niya ito nagawa.

“He was not happy. The first sentence he said was ‘Pri, bakit ginawa mo ‘yan?’ And sinabi ko sa kaniya, because as I’ve told you, I don’t see myself sharing a life with you anymore, and I don’t think there’s a reason to stay married to you if I don’t see myself with you as my partner, as my companion. I don’t see a future with you.”

Umugong ang mga usapin ng kanilang hiwalayan noong Hulyo 2024 nang mag-iwan ang beauty queen ng isang komento sa post ng kaniyang asawa sa Boracay.

“Looking very divorced, Mr. Estrada @Lily Hallman_,” komento ng Miss Earth 2004.

Nagkomento rin si Priscilla gamit ang parehong username nang isang netizen ang nagtanong kung sino ang kasama ng aktor nang pumunta ito sa Boracay.

Kasunod nito, naglabas ng pahayag si John, na “mutually agreed to take a break” sila ni Priscilla.

Ipinagtanggol din niya si Lily Hallman, na sinabi niyang nakilala niya lamang sa Boracay, at idinagdag na wala siyang relasyon dito o sa sino pa mang babae.

Binatikos din ni John ang mga nagpapakalat ng fake news na mga umano’y gumagawa ng mga pahayag gamit ang kaniyang pangalan pagkatapos ng kaniyang bakasyon sa Boracay.

Gayunpaman, pinabulaanan ni Priscilla ang pahayag ni John, na sinasabing walang anumang “mutual agreement” tungkol sa kanilang paghihiwalay.

“We were married when I left the Philippines and we remain married as of this time. While there is indeed more to this story, it is not the appropriate time to delve into those details. Regardless of what those may be, however, it won’t change the course of faith.”

Ikinasal sina Priscilla at John noong 2011. Mayroon silang isang anak na babae, si Samantha Anechka, na isinilang noong 2012.

Derrick guguho raw ang mundo pag nahiwalay kay Elle

Pic3INILAHAD ni Derrick Monasterio na mas tumatag at lumalim pa ang relasyon nila ni Elle Villanueva, at mas naging mature siya dahil sa kaniyang nobya.

Kinumusta si Derrick tungkol sa relasyon nila ng kapwa niya Sparkle star na si Elle.

“Hindi kami magbe-break niyan kahit ano mangyari. ‘Pag nag-break kami niyan, ewan ko na lang, guguho na ‘yung mundo ko,” sabi ni Derrick.

“As time passes by, ‘yung relationship namin parang nagiging more mature. Mas marami na kaming natatanggap na mga bagay na hindi namin matanggap dati sa isa’t isa,” pagpapatuloy niya.

Marami raw naging adjustment si Derrick, at natutunan niya kay Elle na hindi madali ang pumasok sa isang relasyon.

“Kasi dati, nu’ng bagets-bagets ako, nu’ng bata ako, akala ko ang relasyon is just for companionship, puro fun, puro whatever. Pero ngayon, mas may utak na ako, naisip ko na it’s a teamwork talaga. Mas masarap na gano’n. Alam mong meron kang kasama. Hirap naman din talaga humanap ng perfect partner for you. So, ‘pag nakuha mo na yun, ‘yun na ‘yun. Wag mo na pakawalan.”

Muling magkakasama sina Derrick at Elle sa upcoming Kapuso series na “Apoy sa Dugo,” kasama si Ashley Ortega.

Vince walang Valentine date

Pic4FOR the first time ay walang naka-Valentine sa taong ito ang Sparkle hunk na si Vince Maristela. Kaya ang magiging V-Day date niya ay ang kanyang mommy.

“First time ko rin itong ma-experience, wala akong ka-date ng Valentine’s. Itong Valentine’s Day ide-dedicate ko talaga ito sa mom ko,” ngiti pa niya.

Nakaligtas nga raw si Vince sa hassle at stress ng Valentine’s Day. Hindi na raw siya magpapa-reserve ng maaga sa isang restaurant at hindi na rin siya makikipagsapalaran sa traffic.

Para kay Vince, hindi raw kailangang paghandaan ang Valentines kung mahal mo talaga ang isang tao dahil araw-araw umano ay Valentine’s Day.

Na-link romantically noon si Vince sa kapwa Sparkada na sina Roxie Smith at Cheska Fausto. Pero pareho raw na hindi nagtagal ang relasyon niya sa dalawang ito. Kaya single daw siya ngayon.

The post Heart now stronger, bolder, braver appeared first on Journal News Online.

About admin