Echo nag-reach out kay Kim: What’s happening?

EchoWalang alam si Jericho Rosales kung saan galing ang intrigang inisnab niya si Kim Chiu nang mag-promote siya ng pelikula sa “It’s Showtime”.

Marami kasing fans ang nakapansin na hindi raw pinansin ni Echo si Kimmy at nilampasan pa umano ito nang bumeso sa ibang hosts.

Pinuna rin ng madlang netizens ang naging sagot ni Jericho na “wala lang” nang tanungin siya ni Kim kung ano ang maaaring i-expect sa reunion movie nila ni Anne Curtis.

Ayon sa aktor sa panayam ni MJ Felipe ng ABS-CBN, hindi niya alam kung bakit may ganyang issue gayung nagbatian naman daw sila ni Kim.

“I don’t really know what happened there. She is the first one I greeted, she said ‘hi’ to me, I don’t know what happened at may ganu’ng balita,” sey ni Echo.

Dahil na rin sa mga kumakalat na balita ay nagdesisyon si Jericho na i-check at kumustahin si Kim.

Dahil nga sa isyung kumalat ay agad siyang nag-reach out kay Kim at kinumusta ito.

“I went to text her. I said ‘Hi Kim, what’s happening? Why is this happening?’ I don’t know, but are you okay?’ I asked her. ‘Is there something that made you feel uncomfortable?’

“She replied to me and said wala naman. All is well and she said ‘congrats sa movie’. I have to check on her. I have no idea,” kwento ni Jericho.

The post Echo nag-reach out kay Kim: What’s happening? appeared first on Journal News Online.

About admin